Miyerkules, Hunyo 28, 2017


Tuluy-tuloy ang pagiging ligtas ang masayang destinasyon ang Pilipinas para sa mga turista. Tuluy-tuloy din ang mga aktibidad ng turismo isa iba’t ibang rehiyon ng bansa na taglay pa rin ang kamangha-manghang tanawin at atraksiyon.

Ang pagkabighani  ng mga banyaga sa mga magagandang lugar sa ating bansa ay hindi sapat na batayan upang mapagdesisyunang ng mga itong pumasyal sa atin. Isinasaalang-alang din ang kasiguraduhan ng kaligtasan magandang serbisyo sa ating paliparan at iba pang uri ng transportasyon

gayundin sa mga tutuluyang hotel abot-kayang presyo ng mga bilihin at iba pang mga pang araw-araw na gastusin sa kanilang pamamalagi kakaiba at masasarap na pagkain at higit sa lahat ang mabuting pagtanggap at pakikitungong likas sa ating mga pilipino.



Ang pangarap ng mapaunlad ang turismo ng ating bansa ay hindi lamang nakasalalay sa sangay ng pamahalaang namumuno dito.Kinakailangan din ang buong pusong pakikiisa nating mga mamamayan bilang pangunahing makikinabang sa mga mabubuting idudulot nito.
Nais din ng DOT na madevelop at mapaunlad ang socio-economic activities para sa employment at maiparating ang benepisyo ng turismo maging ito man ay sa pribado o pampoblikong sektor.


Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagbibigay ng serbisyo at mga programa ang Department of Toursim para sa patuloy na pagiging perfect destination ng mga turista ang bansang Pilipinas.